Nagbabala ang Bureau of Animal Industry (BAI) na posibleng magkulang ang suplay ng karneng baboy sa bansa dahil sa African Swine Fever (ASF).
Nabatid na tatlong barangay sa lungsod ng Carcar sa Cebu ang isinailalim sa state of calamity sa unang bahagi ng buwang ito dahil sa ASF, na tinatayang umaabot sa P300,000 ang halaga ng lugi ng isang hog raiser.
Nasa P100-B naman ang estimated losses sa Luzon kung saan ilang magsasaka na ang nagdesisyong pansamantalang tumigil sa pag-aalaga ng mga baboy.
Samantala, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na pinag-aaralan na nila ang mga posibleng hakbang upang mapigilan ang pagdami at epekto ng ASF sa lokal na industriya.