dzme1530.ph

ASF, kalat na sa lahat ng rehiyon!

Apektado na ng African Swine Fever (ASF) ang lahat ng rehiyon sa Pilipinas maliban sa National Capital Region (NCR).

Base sa report ng Bureau of Animal Industry (BAI), nag-positibo sa ASF ang 16 na rehiyon pero hindi naman aniyang nangangahulugan na lahat ng barangay at munisipalidad ay apektado.

Kasama sa mga ASF-free ay ang mga probinsya ng Batanes, La Union, Ilocos Sur, Quirino, Albay, Negros Occidental, Negros Oriental, Eastern Samar, Biliran, Bohol, Oriental Mindoro, Palawan, Romblon, Aklan, Antique, Misamis Oriental, at Bukidnon.

Ayon kay DA Assistant Secretary Rex Estoperez, mabilis ang pagkalat ng virus pero ginagawa naman ng kagawaran ang lahat ng kanilang makakaya kabilang na ang mahigpit na pagpapatupad ng mga protocol base sa World Animal Health.

Gayunman nagpaalala si Estoperez sa publiko lalo na sa ang mga bibiyahe o uuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong Semana Sanata na huwag munang magdala ng karneng baboy sa biyahe.

About The Author