dzme1530.ph

ASEAN countries, bubuo ng nagkakaisang tindig kaugnay ng tensyon sa Gaza

Bubuo ng nagkakaisang tindig ang ASEAN countries kabilang ang Pilipinas, kaugnay ng digmaan sa pagitan ng Israel at mga militanteng grupo sa Palestine.

Sa pre-departure briefing sa Malacañang kaugnay ng nakatakdang pagdalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 44th at 45th ASEAN Summit sa Laos, inihayag ni Foreign Affairs Assistant Sec. Daniel Espiritu na nasa negosasyon na ang joint statement ng ASEAN kaugnay ng tensyon sa Gaza.

Magiging bahagi rin umano ito ng ASEAN Foreign Ministers Meeting.

Sinabi pa ni Espiritu na ang tensyon sa Gaza ang isa sa mga magiging pinaka-importanteng paksa sa ASEAN Summit.

Mababatid na apektado rin ng lumalawak na israel-palestine conflict ang Overseas Filipino Workers na nagta-trabaho sa israel, lebanon, at sa iba pang kalapit na bansa.

Mayroon ding Filipino seafarers na binihag ng Houthi rebels sa Red Sea bilang ganti sa opensiba ng Israel sa Gaza. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author