dzme1530.ph

Anti-inflammatory foods na makakatulong sa magang baga, alamin!

Ang pagkain ng mga anti-inflammatory foods ay nakatutulong upang labanan ang pamamaga ng baga o lungs.

Kabilang sa mga pagkaing ito ang green tea na naglalaman ng maraming anti-oxidants na proteksyon sa tissue ng baga laban sa nakapipinsalang epekto ng mga nalalanghap na usok ng sigarilyo.

Taglay rin ng mga orange na prutas at gulay tulad ng kalabasa, orange, at papaya ang vitamin C na panlaban sa mga impeksyon at pamamaga.

Matatagpuan naman sa isda gaya ng sardinas, tamban, tuna, at salmon ang omega-3 fatty acid na nakabubuti sa baga at panlaban sa bacteria.

Makatutulong din ang sapat na pag-inom ng tubig para mapawi ang lalamunan at maprotektahan ang baga.

About The Author