Personalan at hindi dumaan sa tamang proseso ang ginawang pagbawi ng lisensiya sa pagdadala ng baril ng Firearms and Explosives Unit ng Philippine National Police (PNP-FEO)
Ayon sa kanyang ipinadalang bukas na liham kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sinabi nitong may nabasa silang isang Press Release mula sa PNP-FEO kung saan binanggit ang kanyang pangalan at sinabing gumamit ng mga huwad na dokumento upang magkaroon ng lisensiya sa pagmamay-ari at pagdadala ng baril.
Ayon sa liham ng mambabatas sa sa pangulo, batid niyang may mga natatanggalan ng lisensiya ng baril subalit hindi nabanggit ni minsan ang pangalan sa mga balita na gaya niya.
Malinaw aniya na ito ay pandidiin sa kanya at ang press release na kailang nabasa ay sadyang ginawa upang dungisan ang kanyang pangalan.
Paliwanag ni Teves, walang masama kung dumaan ito sa tamang proseso at susunod siya bilang mambabatas subalit sa nangyari at tila hinatulan na umano siya sa mga pangyayari.
Wala pang tugon ang pangulo sa naturang liham kung saan humiling si Congressman Teves sa Pangulong Marcos na pamagitanan ang sitwasyong ito na maaring makaaepekto sa kanyang pamumuno.