dzme1530.ph

Alice Guo, tatangkaing bawiin ang dating posisyon bilang alkalde ng Bamban, Tarlac

Tatangkain ni Alice Guo na mabawi ang kanyang posisyon bilang alkalde ng bayan ng Bamban, sa Tarlac, sa halalan sa susunod na taon.

Kinumpirma ng abogado ni Guo na si Stephen David ang plano ng dismissed mayor hinggil sa paghahain nito ng Certificate of Candidacy.

Sinabi ni David na inihahanda na ng kanilang legal team ang mga kinakailangang dokumento para sa paghahain ng kandidatura ni Guo.

Batay sa rules ng Comelec, maaring mag-file ng COC si Guo sa pamamagitan ng isang representative.

Si Guo na kasalukuyang nakapiit sa Pasig City Jail Female Dormitory ay dinismis sa serbisyo ng Ombudsman noong Agosto dahil sa Grave Abuse of Discretion kaugnay ng operasyon ng POGO Hub sa Bamban. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author