dzme1530.ph

Alice Guo, mahaharap sa karagdagang kaso kapag naghain ng kandidatura

Ibinabala ni Sen. Risa Hontiveros na mahaharap sa panibagong kaso si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo sa sandaling maghain ito ng kandidatura para sa 2025 elections.

Pinuna rin ni Hontiveros ang aniyang patuloy na panloloko ni Guo sa taumbayan kahit nasa loob na ng kulungan.

Sinabi ni Hontiveros na mahalagang dokumento ang certificate of candidacy dahil lahat ng detalye dito ay pinanunumpaan.

Kung magpupumilit aniya si Guo Hua Ping sa kanyang kasinungalingan, madaragdagan pa ng perjury ang kanyang mga kasong kinakaharap.

Ipinaliwanag ng senador na maituturing na Act of Material Misrepresentation sa sandaling i-fill out ni Guo ang kanyang COC at ideklara ang sarili bilang isang Filipino. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author