dzme1530.ph

Alamin ang mga benepisyo ng regular na pag-inom ng maligamgam na tubig!

Maraming benepisyo ang pag-inom ng maligamgam na tubig. Nakatutulong ito para maayos na dumaloy ang dugo at sustansya sa ating katawan.

Kapag ang isang tao ay hindi umiinom ng sapat na tubig, ang maliit na bituka ay sumisipsip ng mas maraming tubig sa nakonsumong pagkain at iniinom. ito ang dahilan kaya dehydrated at constipated ang isang tao.

Ang isang tasang maligamgam na tubig ay nakatutulong para mabawasan ang stress at anxiety. Ayon sa Research, nakatutulong din ito para ma-relax ang katawan at magkaroon ng maayos na tulog.

Ang maligamgam na tubig ay mainam din para sa pagtunaw ng ating mga kinain at para maayos na makapasok ang sustansya sa ating katawan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author