dzme1530.ph

AKSYON SA PAGBAWI NG TESTIMONYA NI ORLY GUTEZA, IPAUUBAYA NA NG SENADO SA OMBUDSMAN

Loading

IPAUUBAYA na ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Erwin Tulfo sa Ombudsman kung ano ang aksyon na gagawin sa pagbawi ng testimonya ni dating Sgt. Orly Guteza kaugnay sa pagdedeliver ng male-maletang pera sa ilang personalidad na may kinalaman sa flood control projects.
 
Sinabi ni Tulfo na lahat ng may kinalaman sa imbestigasyon nila sa flood control projects ay naipasa na nila sa Ombudsman para mas maging mabilis ang pagpapanagot sa mga sangkot sa anomalya.
 
Ipinaliwanag ng senador na kung daraan pa sa Senado ang imbestigasyon ay kakain pa ito ng oras.
 
Gayunman, nilinaw ng mambabatas na hindi ito pag-iwas sa imbestigasyon kundi pagsusulong ng pagnanasa nilang mapabilis ang pagsasampa ng kaso.

About The Author