dzme1530.ph

Ai-Ai delas Alas, hindi makapaniwalang darating at darating ang tamang lalaki sa kaniyang buhay

Masayang ibinahagi ni comedy queen Ai-Ai delas Alas sa isang panayam na mayroon palang tumpak at tamang lalaki na ipinagkaloob ang panginoon sa kaniya.

Dahil sa 30 taon na agwat nila ng kaniyang asawa ay samu’t saring batikos ang kaniyang natanggap mula sa netizens, kung saan inakala nilang si comedy queen ang bubuhay sa kanila.

Ngunit matapos ang 10 taon, napatunayan nilang dalawa na taliwas ang paniniwala o akala ng nakararami, dahil pagmamalaki ni Ai-Ai, si Gerald na kaniyang asawa ang bumubuhay sa kanila sa Amerika.

“I always thought, that, a perfect husband is a myth, kathang isip lang…. Kasi dati ang lalaki sa’kin ay toxic”, ito ang isa sa mga nabanggit ng aktres, kung saan ginatungan pa niyang nagbabago pala ang pananaw, at say pa ng aktres na napaka-swerte niya.

Matatandaang ikinasal si comedy queen Ai-Ai delas Alas at Gerald sa Quezon City sa Christ the King Church sa Greenmeadows taong 2017 ng Disyembre.