dzme1530.ph

AFP, pinalagan ang pahayag ng China na dapat alisin ang typhoon misile ng US sa Pilipinas

Loading

Hindi maaaring diktahan ng anumang bansa ang Pilipinas sa kung papaano nito palalakasin ang kakayahan nito pang depensa.

Ito ang iginiit ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, makaraang ihayag ng China na dapat alisin ng Pilipinas ang typhoon missile ng US sa bansa.

Ayon pa kay Padilla,ang mga pagsasanay na ginagawa ng Pilipinas sa ibang bansa ay bahagi ng pagpapaigting ng depensa.

Sinabi kasi ng China na tila sinira ng Pilipinas ang pangako nito na pansamantala lamang ang pananatili ng naturang MRC sa bansa

Sagot naman ng AFP, mandatao nito na patatagin ang kakayahan at protektahan sa anumang uri ng banta ang Pilipinas. —ulat mula kay Allen Ibañez

About The Author