Mas nakararaming Pilipino ang ipinahahayag ang kanilang “Love and Affection” sa pamamagitan ng paninilbihan.
Gaya ito ng pagluluto o pagtulong sa gawaing bahay nang hindi na kailangan pang utusan.
Sa Dec. 12-18, 2024 survey ng Social Weather Stations (SWS) na nilahukan ng 2,160 adult respondents, lumitaw na ang “Acts of service” ang pinaka-karaniwan o nangunguna sa limang Love Languages.
Pangalawa sa Most Common Love Language para sa mga Pilipino ay Words of affirmation at Quality time na may tig-51%.
Sumunod ay pagbibigay ng regalo na may 33% at panghuli ay physical touch na nasa 29%.