dzme1530.ph

2 pelikulang Pinoy, bumida sa isang firm festival sa Italy

Bumida ang dalawang pelikulang Pilipino mula sa Alaminos City, Pangasinan sa ginanap sa DUEMILA30 International Film Festival and Experience sa Milan, Italy.

Ipinalabas ang short documentary film na “Hijab” na direksyon ni Alisa Guiamoy ng Layag Production at ang narrative film na “Ang Kwento Ni Ila” sa direksyon ni Sky Dela Cruz ng Hundred Island Film Festival.

Ang parehong pelikula ay locally produced ni Dr. Raquel Rarang Rivera mula sa Alaminos City National High School.

Nakatuon ang nasabing film festival sa pagtataguyod ng sustainable development at social inclusion sa pamamagitan ng likhang sining at bigyan ng plataporma ang mga baguhang filmmaker na ipakita ang kanilang talento. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author