Umiinit at natutuyo na ang ocean water sa Antarctic.
Sa pag-aaral ng British Antarctic Survey (BAS), lumabas na lumiliit na ang vital water mass ng Weddell Sea, sa Northern Coast ng Antarctica dahil sa mga pagbabago sa hangin at sea ice.
Ayon sa authors ng BAS, nagbabadya ito ng “far-reaching consequences” para sa climate change at deep ocean ecosystems.
Nabatid na ang “Antarctic bottom water” ang pinakamalamig at pinakamaalat na tubig sa planeta at may malaking papel na ginagampanan sa abilidad ng karagatan na magsilbing “buffer” laban sa climate change sa pamamagitan ng pag-absorb sa excess heat at human-caused carbon pollution.
Nakita ng mga eksperto na lumiit ang volume ng cold bottom waters ng mahigit 20% sa nakalipas na tatlong dekada at apat na beses na uminit ang ocean waters na mas malalim sa 2,000 meters (6,600 feet) kumpara sa natitirang parte ng global ocean.
Nagreresulta anila ang pagkatunaw ng yelo sa “dilution” ng alat ng karagatan at nagpapabagal sa sirkulasyon ng deep ocean water sa Antarctic na kapag hindi nalimitahan ay maaaring mauwi sa pagtigil ng circulation ng deep ocean water, na may masamang epekto sa klima at marine life.
Sinabi ni Shenjie Zhou, isang oceanographer sa BAS at lead author ng pag-aaral, itinuturing itong “early warning” dahil ang pagbabago sa deep water layer ng Antarctic ay nangyayari na at siguradong hindi ito papunta sa direksyon na gusto nating mangyari. —sa panulat ni Jam Tarrayo