![]()
Nakawala ang Boston Celtics sa four-game losing streak matapos padapain ang Washington Wizards sa score na 131-116 sa NBA Cup game, kanina.
Pinangunahan ni Jayson Tatum ang bumisitang koponan sa kanyang 41 points, 6 rebounds at 8 assists.
Nagdagdag naman si Paul George ng 28 points para sa Boston habang nag-ambag si Neemias Queta ng 21 points.
Tumanggap naman ang Washington ng 33 points and 13 rebounds mula kay Anthony Davis habang nakapagtala sina Kyshawn George at AJ Dybantsa ng 24 points at 20 points.
Ang pagkatalo ng Wizards ang bumasag naman sa kanilang three-game winning streak.
