![]()
Inaasahang bababa pa ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Disyembre kasunod ng mababang demand dulot ng tumaas na presyo ng cooking gas.
Sinabi ni Republic Gas Corp. President Arnel Ty na posibleng mabawasan ng ₱4 hanggang ₱6 per kilo ang LPG prices sa mga susunod na linggo dahil sa patuloy na pagbaba ng contract prices.
Idinagdag ni Ty na wala namang isyu sa pagtaas ng demand sa holiday season dahil batay sa current inventory, tatagal ang supply ng 35 hanggang 45 days.
