dzme1530.ph

MAHIGIT 36K NA MGA SASAKYAN, NADAGDAG SA MGA KALSADA SA PILIPINAS NOONG OKTUBRE

Loading

Tumaas ang overall vehicle sales noong Oktubre, batay sa joint report ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at ng Truck Manufacturers Association (TMA).

May naibentang 36,398 units noong nakaraang buwan na mas mataas ng 3.4% kumpara sa 35,721 units noong Setyembre.

Gayunman, mas mababa ito ng 7.8% kumpara sa 40,081 na mga sasakyan na naibenta noong October 2025.

Sinabi ni CAMPI President Jose Maria Atienza na ang pigura noong nakaraang buwan ay “encouraging trend” habang papalapit ang final months ng 2026.

About The Author