dzme1530.ph

SENATE STAFF, PINAALALAHANAN NA MAG-INGAT SA PAGGAMIT NG TRANSITIONS SA LIVE STREAMING NG IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA DUTERTE

Loading

PINAALALAHANAN ni Impeachment Presiding Officer Francis Chiz Escudero ang Senate Public Relations and Information Bureau na maging maingat sa paggamit ng transitions sa live streaming ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
 
Ito ay nang hindi sinasadyang magkaroon ng fire transition ang live streaming kanina kasabay ng opening prayer ni Senator Judge Alan Peter Cayetano.
Samantala, hindi pinagbigyan ng Impeachment Court ang manifestation o hiling ng testigong si Rowena Mendoza kaugnay sa kabiguang makatugon sa subpoena dahil kasalukuyan siyang nasa Germany.
 
Sinabi ni Escudero na ang subpoena para kay Mendoza o sa kung sinumang kinatawan ng CITEM.
 
Dahil dito, itinakda ni Escudero ang pagharap sa korte ni Eva Marie Mariquina mula sa CITEM bukas kapalit ni Mendoza.

About The Author