dzme1530.ph

ILANG SENATOR JUDGES, UMALMAN SA PAGPRESINTA NG DEFENSE PANEL NI VP SARA DUTERTE NG VIDEO FOOTAGES NG IMPEACHMENT TRIAL NI DATING CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

Loading

UMALMA ang ilang senator-judges sa paggamit ng lumang video footages ng impeachment trial ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa pagpresinta sa kanilang testigo na si Atty. Rainier Dela Fuente, dating financial investigator ng Secretariat ng Anti-Money Laundering Council.
 
Si Dela Fuente ay iniharap kaugnay sa fundamental legal concepts ng batas laban sa money laundering.
 
Unang iginiit ni Senator-judge Erwin Tulfo na pagpahingahin na ang mga namayapa matapos na iprisinta ng defense team sa paglilitis ang video clips na nagpapakita ng panenermon ni dating Senador Miriam Defensor Santiago sa prosecution noong 2012.
 
Kinuwestyon ni Tulfo kung ano ang relevance o kaugnayan ng naturang mga video clips noong 2012 impeachment trial ni Corona sa impeachment trial ngayon kay VP Sara.
 
Idiniin ni Tulfo na pagpahingahin na ang mga namayapa dahil magkaiba naman ang mga kasong nililitis ngayon ng impeachment court at magkaiba rin ang set ng mga senator-judges noon sa ngayon.
 
Kinatigan ni Presiding Officer Chiz Escudero ang posisyon ni Tulfo at agad na ipinatigil ang pagpresinta ng video.
 
Tumayo rin si Senator-judge Ping Lacson at iginiit na hindi niya makita ang significance ng magiging opinyon ng isa sa 24 na mga senator-judges ngayon sa nangyaring impeachment trial noon ni Corona.
 
Samantala, bagama’t nagpasalamat si Senator-judge Raffy Tulfo sa pagpresinta ng defense panel sa video footage kung saan emosyonal si Corona, ipinaalala nitong convicted pa rin ng Impeachment Court ang dating punong mahistrado.

About The Author