![]()
Dalawang Filipino seafarers ang nagtamo ng minor injuries nang atakihin ang kanilang LPG tanker sa Black Sea sa Bulgaria.
Kinumpirma naman ng Department of Migrant Workers na all accounted for ang lahat ng 19 seafarers.
Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na nananatili ngayon ang mga seaman sa isang hotel.
Binisita na rin ng DMW labor attaché ang mga seafarers at tinulungan na rin sila ng kanilang licensed manning agency at ng shipowner.
Nabigyan din sila ng kanilang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig at hygiene supplies.
