![]()
Wala pang nakikitang pangangailangan ang House Prosecution Panel sa impeachment kay Vice President Sara Duterte na magsumite ng rebuttal evidence.
Sinabi ni Prosecution Team Spokesperson, Atty. Benjamin Tolosa Jr., na nang tinapos na nila ang kanilang presentasyon ay tiwala silang nabuo na nila ang kaso.
Sa ngayon, aniya, ay wala silang nakikitang rason para magdagdag pa ng mga ebidensya para sagutin ang sinabi ng mga testigo ng Defense Panel.
Katunayan, aniya, ay welcome sa kanila ang mga naging testimonya, pero hihintayin pa aniya nila ang Formal Offer of Evidence ng depensa.
