dzme1530.ph

ALAMIN KUNG PAANO PALAKASIN ANG IMMUNE SYSTEM

Loading

Mahalaga ang malakas na immune system upang maprotektahan ang ating katawan laban sa mga virus, bakterya at iba pang mikrobyo na maaaring magdulot ng sakit.

Ayon sa mga health expert, walang isang pagkain, inumin o supplement na agad na makapagpapalakas ng immune system.

Kabilang sa mga inirerekomendang gawin ang pagkain ng balanse at masustansyang pagkain, gaya ng prutas, gulay, whole grains, lean protein at pagkaing mayaman sa vitamins A, C, D at E, gayundin sa zinc at iron.

Mahalaga rin ang sapat na pagtulog, regular na pag-eehersisyo, pag-inom ng sapat na tubig at pag-iwas sa paninigarilyo at sobrang pag-inom ng alak.

Nakatutulong din ang pagpapabakuna laban sa mga sakit.

Ang pinakamabisang paraan upang mapanatiling malusog ang immune system ay ang regular na pangangalaga sa katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, sapat na pahinga at aktibong pamumuhay.

About The Author