dzme1530.ph

SINGAPORE PRIME MINISTER LAWRENCE WONG, BINIGYAN NG EXTRA COOL POINTS NG PINOY NETIZENS DAHIL SA PAGGAMIT NG VIRAL FILIPINO SONG

Loading

Kinaaliwan ng Filipino netizens ang paggamit ni Singapore Prime Minister Lawrence Wong ng viral track ni Grizzy Bub na “Dito ang Tingin,” sa social media video ng kanyang pagdating sa Pilipinas para sa 49th ASEAN Summit.

Umani ng mga positibong reaksyon online ang choice ni Wong ng catchy Filipino hip-hop track, na ginamit niya sa kanyang arrival video.

Isa sa mga nag-comment ang nagsabi na nakakuha ang Singaporean Prime Minister ng extra cool points dahil sa napiling kanta.

Habang may isa naman na pabirong nagsabi na baka mayroong Pilipino sa editorial team ni Wong na nagrekomenda sa viral song.

Una nang gumamit si Wong ng Filipino songs sa kanyang social media post, gaya ng “Dilaw” ni Maki at “Salamin, Salamin” ng BINI, sa kanyang Reels, nang bumisita siya sa Cebu para sa ASEAN Summit.

About The Author