![]()
Hinimok ni AIPA President at House Speaker Faustino Bojie Dy III ang buong Southeast Asian governments at parliaments na tiyakin ang matagumpay na negosasyon para sa ASEAN Digital Economy Framework Agreement.
Ito ang mensahe ni Dy sa talumpati nito sa harap ng ASEAN heads of states at parliamentary delegation heads ng 15th ASEAN-AIPA Leaders’ Interface sa PICC, kasabay ng 49th ASEAN Summit.
Binigyang-diin ng House leader na ang economic momentum ng rehiyon ay nanatiling matatag sa ilalim ng Philippine chairmanship.
Aniya, hindi maitatanggi ang steady progress ng 19 Priority Economic Deliverables, lalo na ang dalawang mahalagang achievements: ang successful conclusion sa negosasyon para sa ASEAN Digital Economy Framework Agreement at ang umuusad na financial health, na mahalagang dimension sa financial inclusion.
Umaasa ito sa pag-adopt ng ASEAN Leaders’ Declaration on Strategic Trade Management, pag-unlad ng ASEAN Semiconductor Roadmap para sa mas malakas na regional supply chains, at conclusion ng ASEAN-Canada Free Trade Agreement.
