![]()
Nakatakdang i-perform ng SB19 ang “Together in Motion,” ang official theme song ng 49th ASEAN Summit and Related Summits, sa closing ceremony ngayong Martes.
Batay sa anunsyo ng Department of Tourism (DOT), mapapanood ang performance sa pamamagitan ng livestream sa ASEAN 2026 PH Facebook page.
Ang “Together in Motion” ay ni-release noong nakaraang buwan, kasama ang music video, kung saan itinampok ang participating ASEAN countries.
Ang SB19 na binubuo nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin ay tourism ambassadors ng Pilipinas.
Muling itataas ng P-pop kings ang watawat ng Pilipinas sa Coachella Valley Music and Arts Festival sa susunod na taon matapos gumawa ng kasaysayan sa Lollapalooza noong Hulyo.
