dzme1530.ph

MALAKIHANG ROLLBACK SA PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, AARANGKADA BUKAS

Loading

Bahagyang makakahinga ang mga motorista dahil magpapatupad ang mga kumpanya ng langis ng malakihang rollback sa kanilang mga produkto simula bukas.

Ayon sa Department of Energy (DOE), bababa ng ₱16.80 per liter ang gasolina habang ₱4.10 ang itatapyas sa kada litro ng diesel.

Mababawasan din ng ₱3.70 per liter ang kerosene o gaas.

Sinabi ng ahensya na epektibo ang mas mababang presyo ng petroleum products hanggang sa Nov. 16.

About The Author