dzme1530.ph

PANUKALA PARA SA TRANSPARENCY SA PAGGASTOS NG BUDGET, NAPAPANAHON NANG IPASA, AYON SA ISANG MAMBABATAS

Loading

Sa gitna ng mga isyung bumabalot sa Navotas Representative Toby Tiangco iginiit ni Navotas Representative Toby Tiangco ang pangangailangan sa agarang pagpasa ng Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability o CADENA Act.
 
Sinabi ni Tiangco na layunin nitong itaguyod ang transparency at pananagutan sa gobyerno at makatulong na maibalik ang tiwala ng publiko sa mga institusyon ng pamahalaan.
 
Ang kawalan aniya ng transparency sa pamahalaan, lalo na sa paggamit ng pondo, ay nagpapalakas sa hinala ng publiko at nagpapahina sa tiwala sa mga opisyal ng gobyerno.
 
Pinuna niya ang hindi pa rin pag-usad ng proposed CADENA Act o kilala rin bilang Blockchain the Budget Bill.
 
Una nang naisulong ni Senador Bam Aquino ang approval ng panukala sa Senado habang lusot na rin ito sa House Committee on Information and Communications Technology.
 
Nanawagan si Aquino sa Kamara na aksyunan na ang panukala na 10 buwan nang nakabinbin.
 
Kinatigan din ni Marikina City 1st District Rep. Marcy Teodoro ang panawagan ni Aquino at hinimok ang mga kongresista na bigyan na ito ng prayoridad para mapalakas ang transparency at accountability sa mga proyekto ng gobyerno.

About The Author