![]()
Humina pa ang Typhoon Rosal habang kumikilos sa ibabaw ng karagatan ng Taiwan.
Sa advisory ng PAGASA kaninang 11 AM, huling namataan ang sentro ng Typhoon Rosal 305 kilometers northeast ng Itbayat, Batanes.
Kumikilos pa hilaga-hilagang-silangan sa bilis na 15 kilometers per hour.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na hanggang 150 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 185 kilometers per hour.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes at northeastern portion ng Babuyan Island.
Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 naman ang nakataas sa nalalabing bahagi ng Babuyan Island, mainland Cagayan, Ilocos Norte at Apayao.
Kung hindi magbabago ng lakas at direksyon, posibleng lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Typhoon Rosal bukas ng alas-otso ng umaga.
