dzme1530.ph

PEZA, NALAGPASAN NA ANG FULL-YEAR INVESTMENT TARGET NGAYONG OKTUBRE

Loading

Inaprubahan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang ₱12.5 billion na investments ngayong Oktubre, dahilan para umabot ang 10-month total sa ₱310 billion, na lagpas na sa full-year target.
 
Sinabi ng PEZA na umabot ang approved investments sa ₱12.5 billion ngayong ika-sampung buwan, na mas mababa ng 40% mula sa ₱20.66 billion na inaprubahan noong October 2025.
 
Ang October pledges ay katumbas ng labing-walong mga bago at expansion projects, na mas mababa rin kumpara sa 28 projects na inaprubahan sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
 
Inaasahan namang magge-generate ang mga proyekto ng $178.208 million sa exports at makalilikha ng 5,484 na mga direktang trabaho sa bansa.

About The Author