dzme1530.ph

16 KATAO, PATAY SA MAGNITUDE 7 NA LINDOL SA TIBET REGION NG CHINA

Loading

Hindi bababa sa labing-anim na katao ang nasawi habang marami ang nasugatan kasunod ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Tibet region ng China, ayon sa state news agency na Xinhua.
 
Ayon sa United States Geological Survey, natunton ang epicenter ng lindol 183 kilometers east-northeast ng city of Nagqu.
 
Batay sa ulat, nasa 339 na kabahayan ang nag-collapse habang nagpadala na ng rescue team ang gobyerno sa sentro ng pagyanig.
 
Sinuspinde ng railway authorities ang train services sa mga apektadong lugar, ayon sa state media na CCTV.
 
Inihayag naman ng Chinese broadcaster na CGTN na in-activate ng China Earthquake Administration ang Level II emergency response, na second-highest tier sa bansa.

About The Author