![]()
Matagumpay na naisagawa ng AFP ang kanilang Rotation and Resupply (RoRe) mission sa Ayungin Shoal nang walang untoward incident ngayong linggo.
Muli namang inihayag ni AFP spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na ang misyon ay bahagi ng regular na aktibidad ng militar para sa rotation ng personnel at maghatid sa kanila ng mga kinakailangang supply.
Gayunman, inihayag ng China Coast Guard (CCG) na nakapag-transport ang Pilipinas ng mga supply sa nakasadsad na barko sa Ayungin Shoal dahil may permiso ng Beijing.
Ibinasura ni Trinidad ang naturang pahayag, kasabay ng pag-akusa sa China na nag-iimbento ng kuwento at wala namang naniniwala.
Binigyang-diin din ng opisyal na hindi kailangan ng Pilipinas ng permiso ng China para magsagawa ng RoRe missions.
