![]()
Isiniwalat ni Sanya Lopez na pinag-uusapan na nila ng kanyang non-showbiz boyfriend ang tungkol sa kasal.
Ipinaliwanag ng Kapuso actress na ang pagpapakasal ay hindi tungkol sa kung gaano na katagal na magkasama ang isang magkasintahan.
Sa halip, tungkol aniya ito sa kung kailan mo naisip na ang karelasyon mo ay dapat mo nang pakasalan o hindi.
Sinabi ni Sanya na napag-uusapan na nila ang kasal dahil sakaling umabot sila sa puntong iyon ay mainam na handa sila.
Idinagdag ng aktres na kakaunti lamang ang nakaaalam ng tungkol sa kanyang boyfriend dahil nais niyang manatiling pribado ang kanilang relasyon.
Ang disadvantage nga lamang aniya ay hindi niya ma-post sa social media ang tungkol sa kasintahan kahit na gustong-gusto niya.
