![]()
Naitala sa France ang unang kaso ng human Shamonda virus na karaniwang natatagpuan sa livestock, sa isang pasyente na kalaunan ay nasawi.
Kasabay nito ang pahayag ng mga awtoridad na sa ngayon, wala pang banta ng naturang virus sa general population.
Ayon sa French government, pinaghihinalaan na ang biktima ay kinagat ng midge o “hanip” na may dalang virus sa eastern France, kung saan kumakalat ito sa mga hayop tuwing spring at summer.
Inihayag naman ng World Health Organization ng United Nations na nakikipag-ugnayan na sila sa French authorities tungkol sa outbreak.
