dzme1530.ph

42% NG MGA PINOY, SINUSUBAYBAYAN ANG IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA DUTERTE

Loading

42% ng mga Pilipino ang mahigpit o medyo mahigpit na sumusubaybay sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ayon sa Social Weather Stations (SWS).
 
Sa Sept. 21 to 27 SWS survey na nilahukan ng 1,500 adult respondents, 15% ang nagsabing sinusundan nila ang trial, “very closely.”
 
28% naman ang nagsabing “somewhat closely”; 21% ang “just a little” habang 27% ang hindi sumusubaybay sa trial.
 
Mayroon ding 9% ng responders na nagsabing narinig lamang nila ang tungkol sa impeachment trial sa interview.
 
Ginawa ang survey bago iatras ng House prosecution panel ang tatlo mula sa apat na articles of impeachment.
 
Inihayag ng SWS na mas kaunti ang sumusubaybay sa impeachment ni Duterte, kumpara noon kina dating Pangulong Joseph Estrada at yumaong Chief Justice Renato Corona.

About The Author