dzme1530.ph

BUDGET CHIEF, BINALAAN SA PAGIGING MAPAGBIGAY SA HILING NG MGA PULITIKO

Loading

Binalaan ni Senador Imee Marcos si Budget Secretary Kim Robert De Leon sa pagiging mapagbigay sa mga hiling ng mga politiko.
 
Ito ay kasunod ng paliwanag ni De Leon kay Marcos kung bakit malaki ang itinaas ng Financial Assistance for Local Government Unit o FALGU na nakasaad sa 2026 NEP at sa 2027 NEP.
 
Pinuna ng senadora na mula sa ₱5 billion noong 2026, umakyat ito sa ₱37 billion para sa 2027.
 
Sinabi ni De Leon na ang pagtaas ng alokasyon sa FALGU sa susunod na taon ay dulot ng hiling ng mga LGU matapos ang matagumpay na pagpapatupad ng programang Bawat Bayan Makikinabang o PBBM.
 
Kabilang sa programa ang distribusyon ng bigas sa mga LGU para sa mga pinakanangangailangang residente.

About The Author