dzme1530.ph

BANK TRANSACTIONS NI VP SARA, SINIMULAN NANG BUSISIIN SA IMPEACHMENT COURT

Loading

Sinimulan na ng prosecution panel sa impeachment trial ang pagbusisi sa mga records ng Anti-Money Laundering Council sa accounts ni Vice President Sara Duterte at kanyang asawang si Atty. Manases Carpio.

Sa pagtestigo ni AMLC Executive Director Ronnel Buenaventura, iniharap ang ilang bank transaction mula sa BPI Julia Vargas Branch.

Sa kabila ito ng babala rin ng ilang senator-judge na may lalabag na batas ang Impeachment Court kung ilalabas ang mga reports ng AMLC.

Ipinunto ni Senator-Judge Pia Cayetano na bagama’t pinapayagan sa Bank Secrecy Law ang presentasyon ng bank records sa impeachment cases, wala namang ganitong exemption sa AMLA.

Sinabi ni Cayetano na mas dapat gawin ay iharap ang mga bank records sa pamamagitan ng bank representatives.

Ipinaalala ng senator-judge na ang kasaysayan ang huhusga sa lahat ng kanilang aksyon.

Kinatigan ni Senador Imee Marcos ang punto ni Cayetano at iginiit na may tungkulin ang Impeachment Court na sumunod sa itinatadhana ng mga batas.

About The Author