![]()
Responsibilidad ng lahat ang kaligtasan ng kabataan.
Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga educators ngayong National Teachers’ Day.
Sa kanyang talumpati sa culmination program ng Teachers’ Month, sinabi ng Pangulo na iba’t ibang hakbang ang kanilang ipinatutupad sa pamamagitan ng whole-of-government approach upang mapigilan ang school violence.
Aniya, ang kaligtasan ng kabataan ay tungkulin ng pamahalaan, paaralan, magulang, guro, komunidad, at bawat isa sa atin.
Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang mga guro sa kanilang malasakit sa paggabay at paghubog sa mga mag-aaral.
Nangako rin ang Pangulo na palalakasin ang suporta ng pamahalaan para sa kapakanan ng mga guro.
