![]()
Isinapubliko na ng Department of Tourism (DOT) ang official song ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) 2026, na inawit ng Kings of P-pop na SB19.
Ang kantang “Together in Motion” ay isinulat ni Anya Lagman at inareglo nina Jimmy Antiporda at Louie Ocampo.
Noong Hulyo ay pinangalanan ng DOT ang SB19 bilang tourism ambassadors ng Pilipinas.
Ang 49th ASEAN Summit, kung saan host ang Pilipinas, ay itinakda sa Nov. 16 hanggang 18.
