![]()
Nanawagan si Senate President Sherwin Gatchalian sa mga personalidad na gustong manood ng impeachment trial sa Senado na manatili na lang sa kanilang mga bahay kung inaantok.
Sinabi ni Gatchalian na hindi magandang tingnan at maituturing din ng kawalan ng respeto sa korte kung matutulog sa loob ng session hall habang isinasagawa ang paglilitis.
Binigyang-diin ni Gatchalian na kahit sa ordinaryong korte ay hindi rin pinapayagan ang pagtulog habang isinasagawa ang hearing.
Samantala, nanawagan ang Senate leader sa publiko na patuloy na subaybayan ang trial dahil pananagutan ng taong gobyerno ang pinag-uusapan.
