![]()
Naospital at kritikal ang kondisyon ng 78-year-old na miyembro ng PISTON transport group makaraang atakihin sa puso sa gitna ng kanilang nationwide transport strike.
Kinumpirma ng PISTON na naka-confine ngayon sa Caloocan City Medical Center ang kanilang miyembro na si Tatay Elmer.
Si Tatay Elmer ang isa sa mga nanguna sa grupo sa pagsasagawa ng kilos protesta sa kabila ng mahinang pangangatawan.
Matatandaang si Tatay Elmer din ang isa sa anim na PISTON members na tinaguriang PISTON 6 na ikinulong matapos ang protesta sa EDSA Monument noong 2021.
