dzme1530.ph

TRANSPORT STRIKE NG GRUPONG PISTON, NAGPAPATULOY

Loading

Nagpatuloy ang transport strike ng PISTON para sa pangangalampag sa gobyerno na solusyunan ang sitwasyon ng mga jeepney drivers sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa PISTON, magsasagawa sila ng strike sa kanilang mga protest centers bago magtipun-tipon sa Welcome Rotonda mamayang alas-dos ng hapon para magmartsa patungong Mendiola sa Maynila.

Kabilang sa mga lugar ng aktibidad ng transport group ang Aurora Boulevard sa panulukan ng West Point St. sa Cubao City.

Sa kabila ng strike, maraming commuters ang nakabiyahe pa rin patungo sa kanilang mga tanggapan.

About The Author