dzme1530.ph

SHOOTER SA ATENEO DE ZAMBOANGA UNIVERSITY, SINAMANTALA ANG “GAP” PARA MAISAKATUPARAN ANG PAG-ATAKE, AYON SA DILG CHIEF

Loading

Sinamantala ng umano’y estudyanteng namaril sa Ateneo de Zamboanga University (ADZU) ang “gap” sa paaralan, kaya naisakatuparan nito ang pag-atake, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.
 
Sa press conference, kanina, sinabi ni Remulla na bagaman sumunod ang eskwelahan sa industry standards, sinamantala ng Grade 9 student ang butas o puwang para maisagawa nito ang plano.
 
Hindi ipinaliwanag ng kalihim ang sinasabi nitong gap, subalit inihayag nito kahapon na naipuslit ng mag-aaral sa paaralan ang mga baril dahil pumasok ito sa campus lulan ng sasakyan ng kanyang ama.
 
Hindi anya dumaan ang gunman sa routine inspection, at naipasok ang ginamit na dalawang baril na naiwan umano ng ama nito sa sasakyan.
 
Agad namang sinibak sa puwesto ang ama ng estudyante, na Customs Police Officer, kasunod ng malagim na insidente.

About The Author