![]()
Muling ipinanawagan sa pamahalaan ng civil society coalition na Atin Ito, na ideklara ang July 12 bilang National West Philippine Sea Victory Day.
Ginawa ng grupo ang panawagan sa pagsisimula ng 10th year commemoration ng landmark ruling na nagpatibay sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Binigyang-diin ni Atin Ito co-convenor Rafaela David na higit pa sa petsa sa ating kasaysayan ang July 12, isa aniya itong paalala na naghari ang katotohanan, international law, at paninindigan ng mga Pilipino.
Idinagdag ni David na ang pagdedeklara ng National West Philippine Sea Victory Day ay makatutulong upang maingatan ang natamong tagumpay, palakasin ang kamalayan ng publiko at edukasyon, at matiyak na ang mga susunod na henerasyon ay maipagtatanggol kung ano ang nararapat na pag-aari ng Pilipinas.
Noong 2016 ay pinaboran ng International Arbitration Tribunal sa The Hague ang Pilipinas laban sa claim ng China sa South China Sea, sa pagsasabing wala itong basehan.
