dzme1530.ph

PILIPINAS, NAKAPAG-SECURE NG 2.5-BILLION DOLLAR INVESTMENT PLEDGES MULA SA CANADA

Loading

Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umabot sa 2.5 billion dollars ang na-secure na investment commitments ng kanyang pagbisita sa Canada mula sa iba’t ibang kumpanya.
 
Sinabi ng Pangulo na nakipagpulong siya sa Canadian companies para palakasin ang kooperasyon sa mining, critical minerals, energy, at sa Information Technology-Business Process Management (IT-BPM) sector.
 
Inihayag din ni Marcos na nakausap din niya ang mga opisyal ng “key economic players” ng Canada na ang ilan ay nag-o-operate na sa Pilipinas at mayroong libo-libong empleyado.
 
Dumating sa bansa si Pangulong Marcos mula sa apat na araw na state visit sa Canada, 3:56 p.m. kahapon.

About The Author