dzme1530.ph

REPORMA SA PATAKARAN SA SEKTOR NG ENERHIYA, IGINIIT

Loading

IGINIIT ni Senate President Sherwin Gatchalian ang pangangailangan ng reporma sa patakaran sa sektor ng enerhiya sa bansa.
 
Ito ay upang matiyak ang matatag na suplay ng langis, patas na presyo, at mabawasan ang pagiging dependent ng bansa sa imported na langis.
 
Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy, sinabi ni Gatchalian na matapos ang naranasang krisis sa Middle East ay naobserbahan niya ang maraming kahinaan sa energy sector na kailangang matugunan.
 
Una, dapat pag-aralan ang mga paraan upang mapataas ang domestic oil inventory at kung paano maaaring makipagtulungan ang gobyerno sa pribadong sektor upang mapalawak ang inventory capacity ng bansa.
 
Ikalawa, ang replacement cost ang naging major issue at pangunahing dahilan kung bakit agad tumataas ang presyo ng langis sa bansa kapag tumataas ang presyo nito sa pandaigdigang pamilihan. Ngunit kapag bumababa naman ang global oil price, napakatagal bago bumaba ang lokal na presyo ng langis.
 
Iginiit pa ni Gatchalian na kailangang matigil ang pagiging dependent ng bansa sa imported na langis, kung saan 90 porsyento ng ating energy supply ay mula sa Gitnang Silangan.

About The Author