![]()
Tinapos na ng Iran at Estados Unidos ang indirect talks sa Qatar, nang walang senyales na nakabuo sila ng paunang hakbang tungo sa permanenteng kapayapaan.
Sa halip ay natuon umano ang pag-uusap sa mga isyu na dapat ay naresolba nila sa nakalipas na dalawang linggo.
Ayon sa sources, dalawang araw na nagpulong ang mga negosyador ng dalawang bansa sa Doha para talakayin ang maritime traffic sa Strait of Hormuz at financial incentives para sa Iran.
Sa Washington, sinabi ni US President Donald Trump na maayos ang progreso ng pag-uusap hinggil sa posibleng paglimita sa nuclear program ng Iran.
Gayunman, isiniwalat ng sources na hindi tinalakay sa pulong ang nuclear program, na technical in nature.
