![]()
Naghahanda na ang New York para sa kasalang Taylor Swift at Travis Kelce ngayong linggo sa Madison Square Garden.
Bagaman nananatiling tahimik ang kampo ng billionaire pop superstar at three-time NFL Super Bowl champion, nagsimula nang magsulputan ang mga detalye habang papalapit ang celebrity marriage of the year.
Ayon sa US media report, magsisimula ang A-list festivities, Huwebes ng gabi (oras sa Amerika) sa pamamagitan ng exclusive dinner, kung saan isandaan katao lamang ang inimbitahan sa naturang sports arena.
Gaganapin naman ang kasal sa Biyernes (US time) na inaasahang dadaluhan ng star-studded guest na nasa isang libo, kabilang ang models na sina Gigi Hadid at Cara Delevingne; singer na si Selena Gomez; at actress na si Zoe Kravitz, na kilalang malalapit na kaibigan ni Taylor.
Imbitado rin sa kasal ang Kansas City Chiefs teammates ni Travis.
May impormasyon din na magpe-perform sa program sina Stevie Nicks, Tim McGraw, Ed Sheeran, at Paul McCartney.
