dzme1530.ph

DEATH TOLL SA MAGNITUDE 7.8 NA LINDOL SA MINDANAO, UMAKYAT NA SA 88

Loading

Sumampa na sa 88 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Maasim, Sarangani at mga karatig lalawigan noong June 8.
 
Batay ito sa situational update ngayong Miyerkules ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
 
Ayon sa ahensya, ang latest figure ay mas mataas ng pito kumpara sa 81 na nai-report noong June 26.
 
Mula sa 88 fatalities, siyam pa lamang ang kumpirmadong nasawi sa lindol, na mula lahat sa Davao Region.
 
Kasalukuyang bina-validate pa ang 79 fatalities habang nananatili sa 1,316 ang bilang ng mga nasugatan at 24 na iba pa ang nawawala.

About The Author