dzme1530.ph

PERMIT NG IGLESIA NI CRISTO SA KANILANG PAGTITIPON SA WHITE PLAINS, MAAARING KANSELAHIN ANUMANG ORAS

Loading

Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Quezon City na maaari nilang kanselahin ang kanilang permit kung magiging magulo ang kanilang pagtitipon sa White Plains Avenue sa Quezon City.
 
Ayon kay QC Department of Public Order and Safety Head, Ret. Gen. Elmo San Diego, malinaw na ang usapan ngayon na hindi na mangyayari ang nangyari kahapon na isinara ang EDSA.
 
Inaasahan naman ng National Capital Region Police Office na posibleng mas maraming dadalo sa ikalawang araw ng pagtitipon.
 
Sinabi ni NCRPO Spokesperson, Police Major Hazel Asilo na dahil may permit na sila ay posibleng mas marami silang maengganyong sumali.

About The Author