![]()
Kabuuang 173,000 pamilya ang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong nakaraang Lunes, June 8, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Sa pinakahuling update ng OCD, tinatayang 724,000 indibidwal ang naapektuhan ng malakas na pagyanig.
Umabot na rin sa 5,200 aftershocks na may lakas na magnitude 1.2 hanggang 6.4 ang naitala, kung saan 1,307 ang plotted at 76 ang naramdaman.
Animnapu’t isa naman ang naiulat na nasawi, kabilang ang 54 mula sa Region 12 at pito mula sa Region 11.
Nasa 1,403 ang naiulat na nasugatan, kabilang ang 1,356 sa Region 12, 46 sa Region 11 at isa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa kasalukuyan, may 40 indibidwal na napaulat na nawawala, kabilang ang 22 sa Region 11 at 18 sa Region 12.
